Bangkay ng lalaki, natagpuan sa isang bulaluhan sa San Mateo, Isabela!

*San Mateo, Isabela- *Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan pasado alas syete ngayong umaga partikular sa Bayani Bulaluhan sa Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela.

Sa report na nakuha ng RMN Cauayan mula sa PNP San Mateo, nakilala ang biktima na si Darwin Ramos, 38 anyos, walang asawa, restaurant cook at residente ng Purok 1 Brgy. Mapuroc, San Mateo, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, nakita ng isang motorista ang bangkay ng biktima sa pangalawang palapag ng nasabing Bulaluhan na may hinihinalang tama ng bala ng baril sa likod ang biktima.


Sa pinakahuling panayam ng RMN Cauayan sa PNP San Mateo, patuloy pa ang kanilang isinasagawang pagsisiyasat hinggil sa naturang insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng salarin.

Facebook Comments