Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Lamut, Ifugao

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Sitio Balonglong, Umilag, Lamut, Ifugao, bandang 9:00 ng umaga noong Huwebes, Setyembre 11.

Ayon sa Lamut Municipal Police Station, ang lalaki ay tinatayang nasa 30 hanggang 40 taong gulang, may katamtamang pangangatawanan, at may taas na humigit-kumulang 5’4.”

Nang matagpuan ang lalaki, suot nito ang itim na long sleeves, pulang t-shirt, at asul na maong na pantalon.

Mayroon din itong suot na garrison belt at kulay abong tsinelas.

Hiniling ng mga awtoridad ang kooperasyon ng publiko upang makilala ang biktima.

Para sa anumang impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng nasabing lalaki, maaaring makipag-ugnayan sa Lamut MPS sa hotline number na 0917-876-2349.

Facebook Comments