Bangkay ng Lalaki, Natagpuan sa Loob ng Bahay sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng kanyang tinutuluyang bahay sa Purok 1, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Jonas Adeva, 49 taong gulang at residente rin sa nabanggit na barangay.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang PNP Cauayan na mayroong isang bangkay ang natagpuan sa bahay ni Evelio Castillejos, pitumpong taong gulang, isang byudo at batay sa pahayag nito, 30 taon nang nangungupahan ang biktima sa kanya.


Ayon pa kay Castillejos, nagkasakit umano ang biktima kaya’t nagpahinga ito ng halos isang buwan.

Nito lamang pasado alas 6:00 ng gabi, August 19, 2021, nadatnan ni Castillejos ang biktima na wala na itong buhay.

Naniniwala naman si Castillejos na namatay ang biktima dahil sa kanyang iniindang sakit.

Facebook Comments