Bangkay ng Lalaki, Natagpuang nakalutang sa Ilog sa Santiago City

20

Cauayan City, Isabela- Iniimbestigahan pa rin ang nangyaring pagkakadiskubre sa palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki bandang 9:30 kaninang umaga sa Ganano River, Barangay Baluarte, Santiago City, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Presinto Dos ng Santiago City Police Station, isang nagngangalang Lucio Ngarangad, 53-anyos, na residente ng Brgy. Calaocan ang nakadiskubre sa wala ng buhay na katawan ng biktima sa isang ilog.


Magtutungo sa vegetable farm ang saksi ng biglang makita nito ang nakalutang na bangkay sa gilid ng isang ilog na napapaligiran ng ilang basura.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang eksaminasyon sa katawan ng bangkay upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Panawagan ng pulisya na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kung mayroong impormasyon para sa pagkakakilanlan ng biktima na ngayon ay nasa isang punerarya na.

Facebook Comments