BANGKAY NG LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA ILOG

CAUAYAN CITY – Narekober na ng mga awtoridad ang katawan ng isang lalaki na hinihinalang nalunod sa Barangay Catugan sa bayan ng Lal-lo.

 

Kinilala ang biktima na si Rolando Ramos, 51-anyos, at residente ng nasabing lugar.

 

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)- Lal-lo, noong ika-4 ng Agosto, unang naiulat na missing ang biktima matapos na bigo itong makauwi ng kanilang tahanan mula sa pangingisda sa naturang ilog.


 

Kaagad naman na nagsagawa ng search operation ang mga awtoridad sa pangunguna ng MDRRMO at makalipas ang ilang oras, matagumpay na nahanap ang katawan ng biktima.

 

Sa ngayon ay nakalagak na ang mga labi ng biktima sa kanilang tahanan upang paglamayan bago tuluyang ihatid sa huling hantungan nito.

Facebook Comments