Bangkay ng Magsasaka na Hinihinalang Nalunod, Natagpuan sa Luna, Isabela!

110

*Luna, Isabela- *Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga otoridad pasado alas otso kaninang umaga partikular sa San Miguel bridge, Brgy San Miguel, Luna, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Efren Caday, 22 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy. San Miguel, Luna, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng PNP Luna mula kay Brgy Captain Ben Cacal ng nasabing barangay kaugnay sa natagpuang labi ng isang lalaki sa kanilang tulay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Luna na huling nakita ang biktima na naliligo sa ilalim ng tulay noong Abril 22, 2019 ng alas dos ng hapon at tatlong araw na umano itong nawawala.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Luna kaugnay sa natagpuang bangkay ng magsasaka.

Facebook Comments