Bangkay ng mga sundalong nasawi matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Bukidnon, naiuwi na sa kanilang mga probinsya

Binigyan ng military honors ang bangkay ng pitong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) at Philippine Army (PA) na nasawi sa Bukidnon kamakalawa matapos na bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter sa Bukidnon.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Lieutenant Colonel Aristides Galang, kahapon ng hapon naiuwi ang bangkay nina Lt. Col. Arnie Arroyo, 2nd Lt. Mark Anthony Caabay, Staff Sergeant Mervin Bersabi at Airman First Class Stephen Agarrado sa kanilang pamilya sakay ng C-295 aircraft.

Ang bangkay ng tatlo pang miyembro ng Philippine Army na kinilalang sina Sergent Julius Salvado, CAFGU active Auxillary na sina Jerry Ayocdo at Jhamel Sugalang ay dinala na rin sa kanilang probinsya sa Bukidnon at Agusan Del Sur.


Matatandaang nitong Sabado ng hapon habang nagsasagawa ng resupply mission para sa 8th Infantry Division ang mga nasawing sundalo sakay ng UH-1H helikopter ay nangyari insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine Air Force sa insidente.

Facebook Comments