Bangkay ng NPA na Hinihinalang Pinatay ng Kasamahan, Nahukay ng Pulis, Militar

66

Cauayan City, Isabela- Nahukay ng mga kasundaluhan at kapulisan kamakailan ang bangkay ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Birao, Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Tumambad sa mga naghukay na tropa ng 501st Infantry Brigade, 77th Infantry Battalion at PNP Baggao ang bangkay ng lalaki na basta na lamang inilibing o hindi binigyan ng disenteng libing.


Nakilala ang bangkay na si Vincent Cusipag alyas ” MJ”.

Kinilala siya mismo ng kanyang lola na si Christina Samoy dahil sa suot na damit at bracelet.

Ayon sa isang informant, taong 2018 nang sumanib sa kilusan si MJ at hindi rin nagtagal ay tumiwalag siya sa sinampahang grupo ng NPA dahil sa mga hirap ng buhay at gutom na dinanas habang nasa kabundukan.

Bumaba umano si Cusipag at bumalik sa dating normal na buhay kasama ang kanyang lola Cristina.



Pero, noong May 2019 ay pinilit umano siyang kinuha ng limang (5) rebelde sa pangunguna ng isang alias Andy at walang awang pinaslang at basta na lamang inilibing.


Samantala, sumuko naman sa hanay ng 77IB si alias ‘Yain’ bitbit ang kanyang homemade Calibre 30 rifle.

Si Yain ay residente rin ng Sitio Birao, Hacienda Intal sa bayan ng Baggao.

Facebook Comments