Ilang establishments sa Maynila, nabigyan na ng safety seal certification

48

Ilang malalaking establishments na sa loob ng Robinsons Mall sa Ermita, Maynila ang nabigyan na ng safety seal certification.

Ito ay bilang tanda na sila ay sumusunod sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan.


Ayon kay Barangay 669 Chairperson Cynthia Llorente, maging ang nasabing mall ay nabigyan na rin mismo ng safety seal certification kung saan ito ang kauna-unahang mall sa Maynila na tumanggap ng nasabing sertipikasyon.

Una nang hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga negosyante na mag-apply ng safety seal certification sa kanilang mga establishment.

Ito ay para na tumaas ang kumpiyansa ng publiko sa business establishments.

Facebook Comments