Bangkay ng OFW na biktima umano ng ‘serial killer’ sa Cyprus, naiuwi na sa Ilocos Sur

Courtesy: Washington Post

Naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng isang overseas Filipino worker (OFW) na pinaniniwalaang biktima ng “serial killer” sa Cyprus.

Kinumpirma ng barangay chairman ng Gabur Norte, Sta. Cruz, Ilocos Sur, na dumating na sa kanilang lugar nitong Hulyo 28 ang mga labi ni Maricar Valdez Arquiola.

Ayon sa pamilya ng nasawi, sinagot ng gobyerno ng Cyprus at embahada ng Pilipinas ang lahat ng ginastos sa pag-uwi nito.


Nakaraang buwan nang marekober sa man-made Red Lake ang bangkay ni Arquiola na nakasilid sa suitcase.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad sa Cyprus na ika-anim ang Pinay sa mga bitima ng hinihinalang serial killer sa bansa.

Lima sa mga biktima ay natagpuan ding nakasilid sa maleta at itinapon sa parehong lawa.

Facebook Comments