Bangkay ng Pulis, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog ng Palanan Isabela!

1758

Palanan, Isabela – Natagpuan kaninang umaga ang bangkay ng isang pulis na palutang-lutang sa ilog ng Pinacanauan Centro East, Palanan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Patrick Udan, PNP Member ng Palanan Aviation Station Palanan Isabela at residente ng Brgy. Galonagon, Aguinaldo, Ifugao.

Ang bangkay umano ni Udan ay natagpuan ng isang nagngangalang Jaypee Escobal na isang operator ng bangka at residente ng Brgy Marikit, Palanan, Isabela.

Sa imbestigasyon ng PNP Palanan, ang biktima at ang kasama umano nito na si PO1 Villamor Torida ay nagpicnic kahapon sa lugar pasado ala una ng hapon ngunit hindi na umano matagpuan sa oras na alas kwatro ng hapon.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung may naganap na foul play sa hindi inaasahang pagkamatay ng nasabing pulis.

Facebook Comments