South Cotabato, Philippines – Narekober na ang bangkay ng isang Romanian national na tumalon umano sa falls number 2 na may taas na 600ft sa Barangay Lake Lahit, Lake Sebu, South Cotabato noong Mayo 20 alas 12:00 ng tanghali.
Ayon kay Police Chief Inspector Ramon Gencianos, Chief of police ng Lake Sebu Municipal Police Station, natagpuan ang katawan ng turista sa Falls No.7 sa pagpapatuloy ng retrieval operation kaninang umaga na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng South Cotabato, Bureau of Fire Protection, PNP, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang rescuers.
Kinilala ang nasabing Romanian national na si Petrica Paul Bratu, 22 – anyos at nagbabakasyon lamang umano sa kanyang kaibigan sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Sa imbestigasyon, mag-isa lamang umano itong pumunta sa nasabing tourist spot at napag-alaman ding hindi lamang isang beses na nagtangkang magpakamatay ito.
Nagawa pang mahawakan ang kamay ni Bratu ng mga pulis subalit pilit itong kumawala at tumalon sa falls.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa pamilya nito.
DZXL558