Implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act, pinapasuspendi ni Senator Ejercito

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator JV Ejercito sa Department of Transportation at Land Transportation Office na suspendehin muna pansalamantala ang Anti-Distracted Driving Act.

Ito ayon kay Ejercito ay hanggat hindi napaplantsa ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng nasabing batas.

Punto ni Ejercito, simple lang layunin ng batas na ipagbawal ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho para hindi maalis sa daan ang paningin ng driver at hindi maging sanhi ng aksidente.


Pero naging kumplikado aniya ang implemetasyon nito dahil lahat na lang ng nasa dashboard ay pinapatanggal tulad ng rosaryo, air freshener at iba pa.
DZXL558

Facebook Comments