MANILA – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hanggang unang araw na lamang ng Enero 2017 ang deadline para sa mga bangko na magpatupad ng mas ligtas na sistema ng atm, credit at debit cards.Ayon kay Melchor Plabasan, head of BSP core i.t. specialist group, inatasan nila ang lahat ng mga bangko na dapat magkaroon na ng euro pay master card and visa chip na ang mga card na ginagamit na pambayad dahil mas ligtas ito sa card skimming devices.Pero ayon kay BSP Deputy Governor Nestor Espenilla, mas mahal din ang bagong teknolohiya na nagkakahalaga ng 20 hanggang 25 bilyong piso para sa buong banking system.Apat na araw na lamang bago ang deadline ay wala pa sa kalahati ng mahigit 80-milyong credit at ATM card ang gumagamit ng EMV chip.Dagdag pa ni Espenilla –ang mga perang mawawala mula sa mga biktima ng card skimming ay posibleng bayaran ng bangko.Pero dapat makita sa imbestigasyon na inireport ng biktima ang pagkawala ng kanyang atm.Ayon sa BSP mula pa noong 2015, umabot sa daan-daang milyong piso ang nawala dahil sa card skimming.Hindi man perpekto ang EMV system, inaasahang malaki ang magagawa nito para maiwasan ang insidente ng pagnanakaw sa ATM accounts.
Bangko Sentral, Nagbabala Sa Bangko Na Palitan Ang Security Systems Ng Mga Atm, Credit At Debit Card Bago Mag-Bagong Tao
Facebook Comments