Bangko Sentral ng Pilipinas, iimbestigahan na ang tangkang pagnakaw ng isang opisyal ng Metrobank ng 1.7 billion pesos

Manila, Philippines – Inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla na iimbestigahan nila ang insidente ng tangkang pagnanakaw ng isang mataas na opsiyal ng Metrobank ng mahigit 1.7 billion pesos.

Nahaharap sa kasong qualified theft, falsification at paglabag sa general banking law ang suspek na si Maria Victoria Lopez.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Ferdinand Lavin –naaresto si Lopez sa isang entrapment operation matapos niyang i-utos ang pag-debit ng 2.25 million pesos mula sa savings account ng nagreklamong korporasyon na kliyente ng bangko.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng kliyente ng bangko na may open credit facility na P25 billion matapos itong makatanggap ng liham kaugnay sa kanila umanong loan transaction na hindi naman nila totoong inutang sa bangko.


Nanatiling nasa kustodiya ng NBI si Lopez.

Facebook Comments