Bangko Sentral ng Pilipinas, may pag-alinlangan sa panukalang pagbuo ng Pilipinas ng Maharlika Investment Fund

May pag-aalinlangan si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla sa panukalang isinusulong sa Kamara hinggil sa pagbuo ng sovereign wealth fund ng bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Medalla na posibleng mag-ugat ito ng katiwalian sa bansa katulad ng nangyari sa 1-Malaysia Development Berhad (1MDB).

Mababatid na nasangkot ang 1MDB sa multi-billion dollar graft scandal na nagresulta sa pagkakakulong kay dating Malaysian prime minister Nejib Razak ng 12 taon.


Dagdag pa ni Medalla, makakaapekto rin ang pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa reserve fund ng BSP na siyang ginagamit sa pagkontrol ng halaga ng piso sa pandaigdigang pananalapi.

Una nang tiniyak ni House ways and means committee chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda kay Medalla na may sapat na safeguards na nakapaloob sa House Bill 6398 na nakapasa na sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries.

Facebook Comments