Pagbaba ng presyo ng asukal, posibleng sa unang quarter pa ng 2023 mararamdaman ayon sa DTI

Posibleng maramdaman ng mga mamimili ang pagbaba ng presyo ng asukal sa mga pamilihan sa unang quarter pa ng 2023.

Ito ay sa kabila ng pagdating ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal na inangkat ng pamahalaan at ang pagsisimula ng harvest at milling season ng mga local farmers.

Ayon kay Department ot Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, mayroon nang 20 sugar miller associations ang bumalik sa kanilang operasyon kaya mas mabilis na ang pagproseso sa pag-ani ng asukal.


Aniya, ito rin ang sinabihang dahilan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung sa unang quarter pa ng susunod na taon mararamdaman ang pagbaba ng presyo nito.

Sa ngayon, samantalahin na lang muna ang ibinebentang asukal sa halagang 70 pesos kada kilo sa mga pangunahing supermarkets.

Facebook Comments