MANILA – Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas… na hanggang sa December 31, 2016 na lamang pwedeng papalitan sa bangko at sa mga tanggapan ng BSP ang mga lumang perang papel.Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, pagsapit ng January 1, 2017, demonetized na o wala ng halaga ang mga lumang perang papel na noon pang 1985 inilunsad.Nakasaad aniya sa section 57 ng RA 7653 o the new central bank act na pwedeng alisin ng Bangko Sentral sa sirkulasyon at palitan ang mga perang papel ng anumang serye o denominasyon na mahigit limang taon nang ginagamit sa bansa.Paalala pa ni Guinigundo, naglalaman ng upgraded o mas pinatinding security features ang mga bagong perang papel.Kabilang na rito ang watermark o yung parang anino ng imahe na makikita naman sa puting bahagi ng perang papel kapag ito ay itinapat sa liwanag.May makikita ring BSP at yung halaga ng pera sa security thread kapag itinapat din sa liwanag at nagiging isang tuwid na linya yung putol-putol na linya kapag ito ay tiningnan pataas.Kasabay nito, nilinaw ni Guinigundo na ang tanging bibigyan ng isang taong palugit ay ang mga OFW at may mga kaso sa korte na ang lumang pera ang ginagamit na ebidensya sa korte.
Bangko Sentral Ng Pilipinas, Nagpaalala Na Hindi Na Tatanggapin Ang Mga Lumang Pera O Banknotes Sa Susunod Na Taon
Facebook Comments