Dalawang Opisyal Ng Bureau Of Immigration, Itinurn-Over Na Sa Department Of Justice Ang Perang Natanggap Mula Kay Jack L

14

MANILA – Umamin ang dalawang Deputy Commissioner ng Bureau of Immigration na tumanggap sila ng pera mula sa negosyanteng si Jack Lam pagkatapos salakayin ang kanya umanong online gaming operation sa fontana resort sa Pampanga.Isa-isang pinakita nina B-I Deputy Commissioner Al Argosino at Mike Robles ang mga bulto ng pera na galing kay Lam.Inamin din ng dalawang opisyal na sila rin ang nasa CCTV kasama si Retired Chief Superintendent Wally Sombero noong November 27 na nagbigay sa kanila ng 50-milyong piso sa isang hotel sa Pasay para tulungan si Lam na makakuha ng lisensya sa PAGCOR matapos nilang nilusod ang kanyang ilegal gambling facility.Ayon kay Argosino – sinadya nilang tanggapin ang pera para makasuhan nila si Lam.Inamin pa ni Argosino – wala silanbg pinagsabihan tungkol sa pagtanggap nila ng pera at sa pag-iimbestiga nila kay Lam.Hindi rin nila ito agad na isinumbong dahil gusto nilang maimbestigahan ang kanilang immigration intelligence chief na si Charles Calima na nakikipagsabwatan kay Sombero.Kumuha umano si Sombero ng dalawang milyon mula sa 50-milyong piso at humingi naman si Calima ng 18-milyong pisoNgayon lang sila nagsalita dahil, binalita ng mamamahayag na si Mon Tulfo ang pagbibigay ng pera na ayon sa kanila ay kausap ni Calima at Sombero.Depensa naman ni Tulfo – hindi niya nakausap si Calima, nakausap na lamang niya si Sombero na humingi ito ng tulong sa kanya tungkol sa extortion.Nanindigan naman si Sombero – na sila ni Calima ang nag-set up sa dalawang opisyal.Namroblema pa si Sombero dahil kahit tumupad si Lam sa pangingikil ng dalawa ay hindi pa rin nila pinakawalan ang mga ilegal na Chinese worker.Itinurn-over na ng dalawang opisyal ang mga pera kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.Inirekomenda na rin ni Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto ang lahat ng mga nadawit kahit pare-pareho silang nasa iisang fraternity.Kinasuhan na nina Argosino at Robles sina Sombero, Lam at iba pang nasasangkot.

Facebook Comments