Bangladesh National, Pinagbabaril sa Cabatuan Isabela!

Cabatuan, Isabela – Patay ang isang Bangladesh National matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan  sa Barangay Tandul, Cabatuan, Isabela sa oras na alas otso imedya kagabi, Abril dose taong kasalukuyan.

Kinilala ang biktima na si Mahabub Alam, trentay syete taong gulang may asawa, negosyante at naninirahan sa nasabing lugar.

Sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan, pauwi na umano ang biktima kasama ang kanyang drayber na si Villamor Tutika De Jose kung saan  lulan ng kolong kolong nang biglang may motorsiklong galing sa kanang bahagi ng daan at binaril ng maraming beses ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.


Samantala, agad namang tumakbo ang suspek matapos nitong barilin ang biktima at bigla ding dumating ang isa pang lalaki at tinangay ang bag ng biktima na naglalaman ng 80,000 pesos.

Patuloy parin ang imbestigasyon ng PNP Cabatuan sa motibo ng pamamaril maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments