SAWI | Isang pahinante, patay matapos magulungan habang natutulog sa ilalim ng truck sa Maynila Manila, Philippines – Patay ang isang pahinante matapos magulungan ng truck habang natutulog sa ilalim nito sa Sta. Cruz, Maynila. Nakilala ang nasawi na si Gil Teroy Jr., 25-anyos. Nakakulong naman na ang driver ng truck na may plakang UNG-336 na si Jay Losloso, 24-anyos. Sa ulat, naganap ang insidente sa kanto ng Felix Huertas at Ambrocio Lorenzo Street sa Sta. Cruz kung saan binubuhay pa lamang ng driver ang engine ng truck nang maramdaman na umangat ang gulong at nang tingnan ay nakitang nagulungan ang ulo ng kaniyang pahinante. Nabatid na hindi alam ng nabanggit na driver na natutulog pala sa ilalim ng truck ang kaniyang pahinante.

33

Manila, Philippines – Patay ang isang pahinante matapos magulungan ng truck habang natutulog sa ilalim nito sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Gil Teroy Jr., 25-anyos.

Nakakulong naman na ang driver ng truck na may plakang UNG-336 na si Jay Losloso, 24-anyos.

Sa ulat, naganap ang insidente sa kanto ng Felix Huertas at Ambrocio Lorenzo Street sa Sta. Cruz kung saan binubuhay pa lamang ng driver ang engine ng truck nang maramdaman na umangat ang gulong at nang tingnan ay nakitang nagulungan ang ulo ng kaniyang pahinante.

Nabatid na hindi alam ng nabanggit na driver na natutulog pala sa ilalim ng truck ang kaniyang pahinante.

Facebook Comments