BANGON MARAWI | Department of Agrarian Reform, tutulong na rin sa pagbangon ng Marawi City

Manila, Philippines – Bumuo ang Department of Agrarian Reform ng Convergence Project Management Team para tumulong sa Task Force Bangon Marawi.

Ayon kay DAR-10 Regional Director Faisar Mambuay, ang CPMT ay binubuo ng mga government line agencies, non-government organizations, ang United Nation-World Food Project at United Nation-Food and Agriculture Organization.

Tutulong ang DAR sa mga farmer-beneficiaries na makabangon sa kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng ipagkakaloob na support services.


Ang mga barangay ng Cabasaran, Dulay Proper, Dulay West, Guimba at Malimono sa Iligan City ang magiging pilot areas.

Ilang barangay din sa Marawi ang bubuhusan ng ayuda sa isinasagawang proseso ng networking and linkage para sa mga support services and relief assistance.

Facebook Comments