Marawi City – Bilang bahagi pa rin ng pagtulong sa mga kababayan natin sa Marawi City na naapektuhan ng giyera ng pamahalaan kontra Maute-Isis terror group.
Nagbigay ang Department of Energy (DOE) ng mga E-Trikes sa Marawi.
Layon nitong makamit ang energy sustainability sa pamamagitan ng paggamit ng energy-efficient electric vehicles.
Ang mga E-Trikes na ipagkakaloob sa Marawi ay lithium-ion battery-powered vehicle na maaaring i-charge sa mga common household power outlet, maaari din itong makapagsakay ng hanggang sa 6 na katao kasama na ang driver, 3 oras din ang itatagal ng battery life nito, kaya din nitong bmyahe o umakyat sa may kataasang lugar at dahil electronic mas mababa ang maintenance cost nito
Masaya namang tinanggap ni Task Force Bangon Marawi chief Eduardo Del Rosario ang 200 initial donation ng mga E-trikes
Inaasahang maipapadala ang mga E-trikes sa Marawi ngayong Marso o sa lalong madaling panahon.