Marawi City – Patuloy pa ang mga bakwit sa Marawi City na naghihintay kung kailan sila ilipat sa temporary shelters sa Barangay Sagonsongan sa Marawi, na ipinatayo ng gobyerno sa pamamagitan ng Task Force Bangon Marawi.
Ito ay dahil ngayon, wala pa’ng kahit isa sa kanila ang nakalipat matapos itong pormal na nag-turn over at nagsagawa ng inawgurasyon noong Disyembre a-27 sa nakaraang taon.
Sinabi ng TFBM na unang 250 na mga beneficiaries ang lilipat sa katapusan noong Disyembre, habang ang pangalawang batch na 250 families ang itinakdang ililipat nitong unang lingo sana ng Enero.
Ngunit ayon kay Housing Assistant Secretary Felix Castro, ang Field Office Manager ng TFBM, na kinakailangan pa’ng kumpletuhin ang mga maliliit na detalye sa mga bahay upang maiwasan ang maaring aksidente o disgrasya.
Kung madaliin, aniya, ang paglipat ng mga benepisyaryo’ng bakwit ay baka may mangyaring aksidente na maaring magiging problema pa ng gobyerno at sa pamilya nito.