Misis huli ni mister na may kalaguyo

119

Pinagpapalo ng kahoy ng isang mister ang isang lalaki ng maabutan itong nakikipaglampungan sa misis nito sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa barangay Poblacion sa Kidapawan City sa North kahapon.
Sa report ay inabutan ni alyas Danny ang kanyang misis na si alyas Babe kasama ang kanyang lalaki.
Mayroon umanong nakaligtaan si mister kaya bumalik ito sa kanilang bahay. Ngunit laking gulat nito ng tumambad sa kanyang paningin ang kalaguyo ng kanyang misis na si alyas Babe.
Dahil ss galit ay kumuha ng kahoy si mister at hinampas ang lalaki na ngayon ay nasa isang pagamutan .
Sa pahayag pa ni mister matagal-tagal na rin umano niyang sinusubaybayan ang kanyang misis na umanoy may kalaguyo .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments