Manila, Philippines – Tiniyak ng National Housing Authority na hindi matutulad sa karanasan sa Yolanda na nabahiran ng korapsyon ang ipinatatayong pabahay sa Marawi City.
Sa isang Press Briefing, sinabi ni General Manager Marcelino Escalada Jr. na nagkaroon ng problema sa Yolanda dahil binalewala ang mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, mabilis na ang pagarangkada ng implementasyon ng housing programs sa Marawi City .
Nasa 70% o halos kumpleto na ang 6,400 Temporary Housing Units sa site 1 sa Brgy Sagonsongan.
Sa buwan ng Marso ay inaasahan na ganap na matapos ang mga temporary shelter na ito.
Aniya, limampung porsyento na lamang ang ipapatayong Permanent Housing dahil karamihan sa mga may titulo ng lupa sa ground zero ay pababalikin sa sandaling ideklara na ng Task Force Bangon Marawi na ligtas na muling bumalik sa kanilang tahanan.
Nasa 100 billion pesos ang inilaan ng Duterte Administration para sa mga itatayong temporary shelter.