BANGON MARAWI | Rehabilitasyon, sisimulan na sa Abril

Manila, Philippines – Sa April 15, sisimulan ang rehabilitasyon sa Marawi City na nawasak dahil sa ginawang paghahasik ng karahasan ng Maute Terror Group.

Ito ang iniahayag ni HUDCC Chairman At Task Force Bangon Marawi Head Eduardo del Rosario sa isinagawang bangon Marawi press conference sa Malacañang.

Ayon kay del Rosario, lima ang pinagpipilian na mga developers para sa gagawing re-construction sa nawasak na lugar na target gawing World Class City.


Ayon naman kay PCO Assistant Secretary Anna Marie Banaag, tinatayang nasa halos 50 bilyong piso ang inisyal na kakailanganin para sa rehabilitasyon.

Posible pa aniya itong tumaas pagkatapos ng gagawing Comperehensive Reconstruction and Rehabilitation Plan (CRRP) ng National Economic and Development Authority (NEDA) na inaasahang ilalabas sa Marso.

Samantala, sa ngayon ay umabot na sa 30% ang nasakop ng isinasagawang clearing operations sa 250-ektaryang lawak ng dating war zone.

Facebook Comments