BANGGAAN SA AGOO | Mga biktima, nailibing na

La Union – Inilibing na sa Bauang South Cemetery sa La Union ang labing walong bangkay na biktima ng tinaguriang “La Union Christmas Day Tragedy”.

Pinangunahan ni Father Liberato Apusen ng St. Joseph The Worker Parish Church ang misa at pagbabasbas sa mga labi ng mga biktima bago ito sabay-sabay na inilibing sa naturang sementeryo.

Ayon kay Barangay Pilar Chairman Marivic Bulacan – mahigit isang libo ang nakiisa sa lamay simula pa kagabi hanggang sa maihatid sa sementeryo kaninang alas-11:00 ng tanghali.


Nagpapasalamat din si Bulacan sa mga nagpaabot ng tulong at nakiramay sa kanilang angkan.

Halos magdadalawang linggo na ang nakakaraan nang mangyari ang banggaan ng jeepney na sinasakyan ng mga biktima sa kasalubong nitong bus sa bayan ng Agoo, La Union dakong alas-3:30 ng madaling araw noong araw mismo ng Pasko o December 25, 2017.

Dadalo sana sa Christmas mass sa Milagrosong Simbahan ng Manaoag sa Pangasinan ang magkakamag-anak nang mangyari ang trahedya.

Facebook Comments