Muling namapayag ang mga atletang Bangsanoro sa katatapos lamang na 1st Gov. Nancy Catamco Mindanao Taekwondo Championship kasabay ng pagdiriwang ng Kalivungan festival sa North Cotabato.
Itinanghal na over all champion sa Poomsae category ang mga manlalaro ng Mighty BARMM makaraang dominahin ang laro at sungkitin ang 33 medalya sa POOMSAE. Kabilang dito ang 24 na gold medals para sa individual at mixed pair POOMSAE, 4 na silver medals at 5 bronze.
Bukod dito, 27 medalya pa ang kanilang nakuha sa Kyorugi category na kinabibilangan ng 15 gold, 3 silver at 9 na bronze.
Ang nasabing torneo ay nilahukan ng mahigit sa 600 manlalaro na nagmumula sa Region 9, 10, 11, 12 A (SOCSARGEN), 12 B (North Cotabato-Host) at ang Mighty BARMM.
Nagpahayag naman ng labis ng kagalakan si Ginoong Byron Betita, Head Coach at Ginoong Robert John Cabanog, Asst. Coach ng Heart of the Champion Gym sa tagumpay na kanilang nakamit at maipakita na ang mga manlalarong Bangsamoro ang kakaibang galing at tapang sa Taekwondo.
Bahagi rin ito ng kanilang ginagawang paghahanda para sa mga mas malaking torneo kabilang dito ang National Batang Pinoy sa Agosto 25-31 na magaganap sa Palawan at susunod na Palarong Pambansa.
Ang Heart of the Champion Gym ay nagsasanay ng mga kabataan mula sa mga bayan ng DOS, Upi, Parang sa Maguindanao at Cotabato City. 4 dito ay kasalukuyang myembro ng Philippine Team at 8 naman sa mga ito ay kasalukuyang scholar ng mga kilalang paaralan sa Metro Manila.
Narito ang listahan ng mga nagwaging manlalaro:
POOMSAE GOLD MEDALLIST: SILVER MEDALLIST:
1. DANIELLA MISO 1. ALTHEA MARIE ONG
2. ANGELIE JUSTIN BETITA 2. MYKHYLLE BONNE OCLARINO
3. WHEMBRELLE ROSCO
4. NICA MARIE INDINO BRONZE MEDALLIST:
5. SIDH LUTHER MAMASABULOD 1. LARA MAY DASALLA
6. SITTIE NURHALIZA MACAPENDEG 2. JELLIAN EDRIAL
7. ELLEIZA CABIGONA 3. ALLEONA HARON
8. CARL JOHNSEN ONG
9. GABRYLLE JOSHUA CELLONA
10. IVAN KELLY DIMATULAC
11. JOSE GABRYLLE OCLARINO
12. SAIFULLAH DICAY
MIXED PAIR POOMSAE; SILVER:
GOLD MEDALLIST: 1. ALTHEA MARIE ONG
1. SAIFULLAH DICAY 2. JISE GABRYLLE OCLARINO
2. ALLEONA HARON
3. ELLEIZA CABIGONA BRONZE:
4. MYKHYLLE BONNE OCLARINO 1.LARA MAY DASALLA
5. DANIELLA MISO 2.JELLIAN EDRIAL
6. GABRYLLE JOSHUA CELLONA
7. NICA MARIE INDINO
8. IVAN DIMATULAC
9. SITTIE NURHALIZA MACAPENDEG
10. CARL JOHNSEN ONG
11. ANGELIE JUSTIN BETITA
12. SIDH LUTHER MAMASABULOD
Kyorugi Medallist: SILVER:
Gold medallist: 1. ANDONG YUSUF
1. SHILOH XANDREA AMPAD 2. RAYMUNDO MILLAN JR.
2. AIRAMAR AMING 3. ARNICA MAE MIRANO
3. NICO BARNIDO
4. COVIN DALE AQUAVIVA BRONZE:
5. GUILBERT APORBO JR. 1. JOHN MYLEX BOTACION
6. NINO JAMES BATAO 2 .CHESTER TUGADE
7. CHRISTOPHER CUNING JR. 3. JIBREEL TARAMBISA
8. ASHLEY CURT ARREOLA 4. JAMES KIAN TANGHAL
9. JUDE HARVEY JOROLAN 5. PAUL DENVER MONSANTO
10. KYLE MISO 6. JIVIS ANTONIO SALVA
11. COLLINS TABORADA JR. 7. RAISSA ESTOCE
12. RAIZEL JEAN MANIAGO 8. JOHN MYLEX BOTACION
13. MERICA LILLYN CHAN 9. CHESTER TUGADE
14. AMIR HAMDANN MACAPENDEG
15. ANGEL NICOLE DUGASAN