Bangsamoro Basic Law, sisertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte

27

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang sisertipikahang urgent ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ng pangulo na umaasa siyang bago matapos ang kasalukuyang taon ay ganap nang batas ang BBL.

Tiniyak rin ni Duterte na walang pagkontra sa alinmang probisyon ng panukalang batas basta naaayon ito sa saligang batas at kumakatawan sa adhikain ng mga moro.

Ayon pa sa pangulo, makakaasa ang mga Moro at lahat ng mga stakeholders na magkakaroon ng isang “Bangsamoro Country.”

Facebook Comments