Panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo, walang basehan ayon sa kampo nito

12

Manila, Philippines – Naniniwala ang kampo ni Vice President Leni Robredo na walang patutunguhan ang nilulutong panibagong impeachment complaint laban sa bise presidente.

Sa interview ng RMN kay Georgina Hernandez, Spokesperson ni VP Robredo – sinabi niyang wala namang matibay na basehan ang mga kritiko ni VP Robredo sa pagsasampa ng impeachment complaint.

Sabi pa ni Hernandez, hindi rin niya maintindihan kung bakit pilit na inuungkat ng mga kritiko nito ang pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.

Iginiit din ni Hernandez na wala namang ginagawang betrayal of public trust ang bise president dahil wala namang masama sa pagsasabi ng totoo at paglalahad ng tunay na kalagayan ng mga pilipino.

Isa pa aniya, patuloy pa ngang tumataas ang tiwala ng mga pinoy kay VP Robredo na isang patunay na salungat ang mga ibinibintang ng mga ito laban sa bise presidente.

Facebook Comments