Tuloy na ang gaganaping Bangsamoro General Assembly na itinataguyod ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Transition Commission(BTC). Ayon kay Milf First Vice Chairman at BTC Chair Ghazali Jaafar muling itinakda sa Nov 27 ang nasabing pagtitipon. Unang ipinagpaliban ang pagttipon na dapat ay noong Nov 3 at 4 subalit sa higpit ng schedule ni Pangulong Duterte ay ipinagpaliban ito.
Umaasa naman si Jaafar na hindi na maantala ang inaabangang malakihang pagtitipon ng mga Bangsamoro na dadaluhan mismo ng pangulo , mga senador at ilang foreign dignitaries .Inaasahan din ang pagdalo ng tinatayang 500 libo hanggang isang milyong katao sa nasabing assembly na gaganapin sa old capitol sa crossing Simuay Sultan Kudarat Maguindanao.(Amer Sinsuat)
Bangsamoro General Assembly tuloy ng gagawin sa Nov 27 sa Maguindanao , Pangulong Duterte pangunahing bisita.
Facebook Comments