Municipal Agriculturist ng Arakan sa North Cotabato patay sa pamamaril

Patay sa pamamaril ang municipal agriculturist ng Arakan sa North Cotabato pasado alas 9 kaninang umaga. Kinilala ni PSupt Bernard Tayong , tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang biktima na si Edgar Arana, 57 anyos .
Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at habang tinatahak ang daan ng sitio Napanlahan sa barangay Poblacion ng Arakan ng siyay dikitan ng riding in tandem at pinagbabaril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan. Tinutugis pa rin ng mga otoridad ang mga salarin habang inaalam pa ang motibo sa insidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments