BANGSAMORO Government nagbigay ayuda sa mga naapektuhan ng Taal Volcano Eruption

77

Nagpaabot na ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Government.


Pinangunahan mismo ni Interim Chief Minister Ahod Ebrahim kasama sina Executive Secretary Abdularauf Macacua ang send off ng mga truck na lulan ng relief assistance .

Sinasabing nasa 1500 relief packs ang bitbit ng BARMM Government para sa naapektuhan.

Inaasahan na mismong si READI BARMM Head Atty. Naguib Sinarimbo ang mangunguna sa relief distribution sa Incident Command Post sa Batangas.

Nakatakda ring tunguhin ng READI BARMM ang ilang Muslim Community sa nasabing lalawigan para personal na maabutan rin ng tulong.
Kaiisa naman ng BARMM Government ang lahat para sa mabilisang pagbangon ng mga naapektuhang mga mamamayan mula sa trahedya.
READI BARMM PIC

Facebook Comments