‘Couple’s nest’ para sa mga evacuee, binuksan sa Tagaytay

491

Nagbukas ang lokal na pamahalaan ng Tagaytay ng isang establisyimento para sa pribadong oras ng mga magkarelasyon o mag-asawang evacuee.

Ginawang “couple’s nest” ang limang kuwarto sa gusaling dating training center ng Philippine Red Cross.


Maaaring gamitin ng bawat pares ang kuwarto sa loob ng dalawang oras.

Bago ito, kailangan muna nilang magparehistro at dumaan sa family planning seminar.

Bibigyan din ang bawat pares ng condom bago ipagamit ang kuwarto.

Daan-daang pamilya ang kinailangang lumikas mula nang magsimulang mag-alboroto ang bulkang Taal noong Enero 12.

Nananatiling nakataas sa Alert Level 4 ang Taal.

Facebook Comments
From Advertisers