Hinikayat ng Bangsamoro Government ang publiko na sundin pa rin ang health protocols habang ipinagdiriwang ngayong araw ang Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Paalala ni kay Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim, na huwag pa ring balewalain ang health protocols kahit sa makabuluhang araw na ito.
Aniya, nananatiling banta ang COVID-19 kaya ugaliing sundin ang minimum health standards.
Sa pagsunod sa anti-COVID-19 protocols at paglahok sa vaccination program, asahang magkakaroon ng maayos na paggunita ng Ramadan ang mga Muslim sa susunod na taon.
Una nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang May 13, bilang regular holiday sa buong bansa.
Facebook Comments