Bangsamoro Islamic Freedom Fighters – umatake sa isang paaralan sa Pigcawayan, North Cotabato

Manila, Philippines – Inatake ng hindi pa mabatid na bilang ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang Malagakit elementary school sa Pigcawayan, North Cotabato.

Sa interview ng RMN kay Pigcawayan Municipal Police Station Chief Insp. Reylan Mamon – nagpapatuloy ngayon ang bakbakan sa pagitan ng 34th infantry battalion ng Phil. Army at nang armadong grupo na nagsimula kaninang alas 5:45 ng umaga.

Inaalam na rin aniya ang ulat na may mga nasawi o mga bihag ang mga suspek.


Bunsod ng bakbakan, sinabi ni Hamon na mahigit dalawang daang residente ang sapilitang inilikas ng mga otoridad sa buong barangay malagakit at isa pang kalapit nitong barangay.

Sa isang interview, kinumpirma naman ni Pigcawayan Cotabato Mayor Eliseo Garsesa na may lumabas kagabi na intel report na aabot sa 200 kalalakihan ang lulusob sa kanilang lugar.

Ayon kay Garsesa – inaalam na ng mga otoridad ang dahilan ng paglusob ng BIFF pero tiniyak ng PNP aniya na walang kinalaman ang pag-atake sa bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments