Umapela ang iba’t ibang samahan ng Muslim sa mga mambabatas at kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang pagpapalawig ng 3 taon ang Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Ayon kay Bngsamoro People’s Coalition for BTA Extension Spokesman Dr. Jolly Lais, dapat ay produktibo at harmonious ang maging resulta ng kanilang pag-uusap.
Nanawagan sa mga senador ang Bangsamoro People’s Coalition na dapat suportahan ang pagpapalawig pa sa BTA, kung saan panawagan sa mga lider na magkaisa at magtrabaho ng iisang layunin at suportahan ang naturang inisyatibo para sa tunay na development ng Mindanao.
Paliwanag naman ni Assalam Jim Bangsamoro People’s Coalition Incorporated President Datu Pendatum Disimban, bago naipatupad ang BTA ay dumaan ito sa isang plebisito kung saan mahigit 90 porsyento ang sumang-ayon.