Bangsamoro Young Leaders Assembly isinagawa sa ARMM

Nagtipon ang mga kabataang lider ng bangsamoro, mga professionals at mga Ulama galing sa limang iba’t ibang probinsya ng ARMM.

Ito’y kasabay ng dalawang araw na aktibidad na Bangsamoro Young Leaders Assembly na nag simula kahapon at matatapos ngayong August 15.

Layunin ng pagtitipon na ito ay ang makapaglaan ng oras at lugar ukol sa pagpla’plano at pagkakaisa upang matalakay ang mga concerns ng youth sector sa aspeto ng kapayapaan, seguridad at pagunlad kasama ang umuusbong Bangsamoro government at Federal environment.


Ilan sa mga dumalo sa assembly ay sina Chair Mohagher Iqbal, MILF Implementing Panel , Atty. Bong Parcision, MNLF/ Consultative Committee, Dr. Susana Anayatin, Bangsamoro Transition Commissioner PCI Edmond Tamson at Police Senior Superintendent Percival Placer,PNP PRO- .

Namuno sa paglulunsad ng aktibidad na ito ang Office of the Regional Governor ng ARMM katuwang ang ibang ahesya sa ARMM.(RAHMA S. CHIO,NDU, BACOMM 4)
BPI ARMM PIC

Facebook Comments