BANGUS FESTIVAL 2025, MAS PINASAYA NG SM CENTER DAGUPAN

Isang makulay na selebrasyon ng Bangus Festival ang hatid ng SM Center Dagupan kahapon.

Tampok dito ang sining, lokal na produkto at Isang Gabi ng kantahan.

Sa Glow Music Festival na ginanap sa roof deck ng mall kagabi, Nagliyab ang entablado sa live performances ng kilalang national artists na sina Cloud 7 at Pixie, habang hindi rin nagpahuli ang mga lokal na talento ng Pangasinan tulad nina Thirsty Dudes at Einjel Tamilag na nagbigay ng sariling tatak ng husay sa harap ng masigabong palakpakan ng audience.

Kasabay ng musika, umarangkada rin ang kasiyahan sa presensya ng mga cosplayers na nagmistulang makukulay na karakter na nagbibigay saya at aliw sa mga bisita.

Bilang suporta sa mga lokal na negosyo, pinasinayaan rin ang pagbubukas ng MSME Community Bazaar kung saan tampok ang iba’t ibang produkto mula sa mga homegrown entrepreneurs—mula sa mga dried fish, vegetable chips, hanggang sa mga masining na handicrafts.

Ang nasabing selebrasyon ay patunay ng mainit na suporta ng SM Center Dagupan sa taunang Bangus Festival. Asahan pan Umano mas maraming mga aktibidad at sorpresa ang ihahandog ng mall hanggang sa katapusan ng Abril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments