Mas pinalalakas pa ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang industriya ng bangus bilang bahagi ng layuning maitaas ito mula lokal na produkto tungo sa world-class export commodity.
Kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, tinatrabaho ng lungsod ang agarang renewal ng License to Operate mula sa Food and Drug Administration (FDA) para sa pagpapatuloy ng operasyon ng Korea–Philippines Seafood Processing Complex sa lungsod.
Ayon sa Department of Agriculture–BFAR, ang hakbang na ito ay bahagi ng co-management program kasama ang LGU Dagupan para sa mas pinahusay na bangus processing at mas epektibong operasyon.
Kapag tuluyang na-renew ang lisensya, inaasahan itong magbubukas ng mas maraming trabaho at dagdag kita sa mga local deboners, gayundin ng mas malawak na oportunidad sa export market ng tanyag na Dagupan bangus.









