BOMB THREAT, INIULAT SA ISANG PAARALAN SA BINALONAN

Nakatanggap umano ng bomb threat ang isang paaralan sa Binalonan, Pangasinan noong Oktubre 10, 2025, dakong alas-11:30 ng umaga.

Batay sa paunang imbestigasyon, iniulat ng isang empleyado ng paaralan sa mga awtoridad na nakatanggap sila ng nakababahalang mensahe mula sa isang Facebook dummy account.

Ayon sa mensahe, mayroon umanong sampung bomba na itinanim sa loob ng campus na maaaring sumabog anumang oras.

Binanggit din sa mensahe ang mga posibleng lokasyon ng umano’y mga bomba at nagbabala na wala raw makakaligtas.

Agad ipinaalam ang insidente sa mga kinauukulan upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani ng paaralan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan at kredibilidad ng naturang banta.

Ayon sa pulisya, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng bomb threat ang nasabing paaralan.

Facebook Comments