BANGUS VENDOR SA DAGUPAN CITY NAKAPAGPATAPOS NG PROFESSIONAL TEACHER

Dahil sa kagustuhan ng isang nanay na makapagtapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo ay tanging pinagkakaabalahan nito ay ang pagbebenta ng bangus sa bangketa sa Dagupan City.
Nakilala ang bangus vendor na si Nanay Rubina Calilim, 58-anyos, residente ng Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City kung saan nasa tatlumpu’t walong taon na itong naglalako ng bangus sa mga bangketa sa lungsod.
Ayon pa sa kanya, matagal na raw niya itong hanapbuhay simula noong siya ay nakapag-asawa kung saan ay pinili nitong tulungan asawa nito sa pagtatrabaho.

Sa pagkukuwento pa nito ay sapat naman umano ang kinikita nila at dahil na rin sa tulong ng kanilang mga kamag-anak at sa kanilang pagsisikap nilang mag-asawa ay napatapos nila ang kanilang panganay na anak sa kursong guro at isa nang ganap na professional teacher sa isang paaralan sa Longos Bonuan sa lungsod.
Dagdag pa niya ay kahit sobrang daming pagsubok ang dumating gaya gg walang pampuhunan at matumal na bentahan hindi ito naging hadlang para itaguyod ang kanyang pamilya.
Sinabi pa nito na simula noong nakatapos ang kanyang anak ay guminhawa na ang buhay nilang pamilya.
Sa ngayon aniya ay nagiging libangan o dagdag income na lamang ang pagbebenta ng boneless bangus sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments