KABUTIHANG IPINAKITA NG ILANG ESTUDYANTE VIRAL SA SOCIAL MEDIA SA DAGUPAN CITY

Viral sa social media mula dito sa Dagupan City ang angking kabutihang ipinakita ng ilang estudyante matapos ipamalas ang paraan sa pagtulong.
Binahagi ni idol Rosalie Fronda isang student nurse ang kanyang galak na nararamdaman ng tulungan si Lolo Edward sa pagtitinda ng donut sa kanyang Facebook. Para kanya ito’y mission accomplished.
Aminado si idol Rosalie na wala pa siyang kakayahan financially na tulungan si Lolo at ito ang kanyang paraan.

Si Lolo Edward ay madaling makilala dahil araw araw tulak tulak nito ang kanyang kariton dala ang kanyang panindang donut. Madalas sa kahabaan ng Arellano sa harap ng mga Unibersidad siya tumatambay.
Samantala labis naman ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga bumili lalo na sa kapwa niya Student Nurse at Criminology Students ng Universidad de Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments