Bank accounts at assets ng Kapa, ipina-freeze

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Court of Appeals ang pag-freeze sa ilang bank accounts at iba pang assets na konektado sa Kapa-Community Ministry International Inc.

Ang Kapa ay isang non-stock corporation na nakitang nagsasagawa ng maanomalyang investment scheme.

Ang freeze order na inisyu ng appellate court nitong June 4 kasunod ng petisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).


Una nang binawi ng SEC ang Certificate of Incorporation ng Kapa dahil sa serious misrepresentation.

Ang Kapa ay naghihikayat ng mga miyembro nito na mag-donate ng anumang halaga kapalit ang 30% na monthly return.

Dagdag pa ng SEC, unsustainable ang investment scheme ng Kapa dahil kailangan nito ng 15 billion pesos kada buwan para bayaran ang limang milyong miyembro nito na nakapag-contribute ng nasa 10,000 piso.

Nag-isyu na rin ang SEC ng cease and desist order (CDO) laban sa Kapa noong February 14.

Sakop ng kautusan ang partners, officers, directors, agents, representative at lahat ng tauhang konektado sa Kapa.

Pinapayuhan ng SEC ang publiko na mag-ingat at agad i-report sa kanilang head office o extension offices ang anumang investment-taking activity ng Kapa.

Facebook Comments