BANK ACCOUNTS | Senator Trillanes, diskumpyadong tutuparin ni P-Duterte ang pangako

Manila, Philippines – Hindi inaalis ni Senator Antonio Trillanes IV na hindi na naman tuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nito na pagpapabusisi sa kanyang mga bank accounts.

Pahayag ito ni Trillanes, makaraang i-anunsyo ni Pangulong Duterte na payag siyang imbestigahan ng binuo niyang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang kanyang mga bank accounts.

Pero ayaw ng Pangulo na ipakita ito kay Senator Trillanes.


Sabi ni Trillanes, ilang beses ng sinabi ng Pangulo na handa siyang paimbestigahan ang kanyang bank accounts pero hindi naman ito nangyayari.

Binigyang diin pa ni Trillanes na kung totoo si Pangulong Duterte sa pagpayag na maimbestigahan ang kanyang mga bank accounts ay dapat hindi na ito maglatag pa ng mga kondisyon at dapat mag isyu din ito ng waver sa bank secrecy law.

Facebook Comments