LOLO, 74, Nag-SHORT TIME, Nag SEX ENHANCER , PATAY sa Loob ng Lodging House sa Naga City

Isang matandang nakahubad at wala ng buhay ang nadiskubre kaninang umaga sa isang lodging house sa Naga City kaninang umaga.
Ayon sa report ng pulisya, inireport ng may-ari ng 24 Hours Lodging House sa PNR road, barangay Tabuco, Naga City lampas alas 7 ng umaga, matapops nilang madiskubreng wala ng buhay ang naka-check in sa isang kwarto ng inooperang lodging house.
Kinilala ang namatay na si Rogelio Robledo, 74 years old at residente ng Urban Poor, Barangay Sta. Cruz, Naga City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 5:30 kaninang umaga nag-check in ang matanda kasama ang isang babae na hindi pinangalanan sa report. Makalipas ang more or less 2 oras, bandang alas 7 na ng umaga, lumabas at umalis na sa nasabing lodging ang babaeng kasama ni Lolo.
Nang mag-expire na ang “short-time”, kinatok ng may-ari ng 24 Hours Lodging House ang kwartong nirentahan ni Robledo. Wala umanong sumasagot sa katok ng pinto kaya’t napilitan na lamang na gamitin ng may-ari ang duplicate key para mabuksan ang nasabing kwarto.
Pagbukas ng pinto, tumambad ang isang hubad na katawan ng isang matanda at wala na itong huwesyo.
Sa dagdag pang pahayag ng pulisya, pinaniniwalaang inatake sa puso ang nasabing matanda dahil sa overdose ng ininom nitong pampalakas ng katawan. Sa description ng pulisya sa nadiskubreng wala ng buhay na matanda, nakatayo pa rin ang kanyang pagkalalaki kahit na wala ng buhay ang iba pang bahagi ng katawan nito.
Patuloy na sinusundan ng pulisya ang pangyayaring ito upang matukoy kung sino ang babaeng nakasama ni Robledo nang magshort time sa nasabing lodging house. Kasama mo sa balita, RadyoMaN Paul Santos, RadyoMaN Ed Ventura, Tatak RMN

Facebook Comments