BANKRUPT | Malaking kumpanya ng laruan sa buong mundo, magsasara na sa Amerika

Manila, Philippines – Inanunsyo na ng kompanyang “Toys ‘R’ Us” ang napipintong pagbebenta o ‘di kaya ay pagsasara ng lahat ng kanilang tindahan sa Amerika. Ang Toys ‘R’ Us ay mayroon pang 700 stores sa iba’t ibang panig ng Amerika kabilang ang kanilang Babies ‘R’ Us stores at aabot sa 33,000 ang kanilang manggagawa. Setyembre ng nakaraang taon ng naghain ng bankruptcy ang kumpanya matapos na umabot sa mahigit $5 billion ang kanilang pagkakautang. Maliban sa pagsasara o pagbebenta ng kanilang mga store sa US, magsasagawa na rin ng liquidation ang kumpanya sa kanilang stores sa France, Spain, Poland at Australia. Plano na rin nilang ibenta ang kanilang operasyon sa Canada, Central Europe at Asia.

Facebook Comments