Bansa, hindi pa handa sa medical cannabis ayon sa ilang senador

Hindi pa handa ang bansa para gawing legal ang medical cannabis.

Ito ang inihayag ng ilang senador matapos ang pagtalakay sa isinusulong na Medical Cannabis Compassionate Access Act.

Tinalakay ng Committee on Health and Demography ang nasabing panukala kung saan pinaharap ang mga sektor at mga eksperto na pabor sa pagsasa-legal ng medical cannabis sa bansa.


Nababahala si Senator Jinggoy Estrada na mauwi sa pang-aabuso ang pag-legalized sa medical cannabis.

Aniya, hindi malabong abusuhin ito at baka sa halip na sa medical purposes ay sa ibang pamamaraan gamitin ang medical cannabis.

Para naman kay Senator Nancy Binay, malaking debate pa rin sa mga Pilipino ang paggamit sa medical cannabis bilang alternative treatment.

Mahalaga aniyang pakinggan ang lahat ng sektor at balansehin ang mga pros at cons ng panukala.

Dagdag pa ni Binay, kung sa perspektibo ng gamutan ay pinakamahalaga ang pangangalaga sa mga pasyente subalit hindi naman natin gugustuhin na samantalahin ng ilan ang batas.

Facebook Comments