Bansang Romania, magbubukas ng mga trabaho ayon sa DOLE

44

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaasahan ang lalo pang pagbubukas ng oportunidad ng trabaho sa bansang Romania.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang naturang pahayag ay kasunod na rin ito ng nilagdaang Labor Agreement sa pagitan ng DOLE at ng mga opisyales sa bansang Romania.


Paliwanag ng kalihim, malaking oportunidad ang naturang kasunduan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na matagal ng gustong magtrabaho sa naturang bansa.

Hindi pa tinukoy ng DOLE kung ano-anong mga trabaho ang kakailanganin sa naturang bansa pero tinitiyak ng ahensiya na maraming mga Pilipino ang papasa sa standard ng naturang bansa dahil na rin sa kalidad ng kakayahan ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments